Venus (running to the door at a cousin's house, because of a particular house pet that gives her some baaaad vibes): May reason ako ba't ako takot sa aso no! Nakagat kaya ako nung bata pa ko ...
Machete: Ako rin e, takot din ako sa aso..
V: Eh 'di ba may dalawa kayong aso sa bahay?
M: Oo, e pusa naman mga 'yun sa totoong buhay e. Nasisindak nga 'yun kay Goldie e (referring to the alpha male among their assorted group of cats). Sinasapak sila nu'n e.
Venus nods dismissively.
M: Oo nga! May kamao 'yon! Inaabangan siya ni Goldie, 'tas 'pag dumaan si Rod Stewart(the dog), sinasalubong siya ng matinding upper cut!
V (forming a fist with her hands): Ganu'n? May fist??
M: Oo!
While safely inside..
V: Alam mo bang twice na 'kong nagkaro'n ng near-death experience?
M: Kelan?
Cleopatra erupts in laughter.
Cleopatra: Wahahaha! May kinalaman ba 'yan sa isang celfon na nahulog sa sasakyan!
V: Oo no... P'ano kasi, binuksan ko 'yung pinto ng kotse habang stop, e nahulog sa kamay ko 'yung celfon ko, pumunta ba naman sa ilalim ng jeep na katabi namin, anlayo pa a, malapit na sa gitna ng jeep!! Nag-surface superhuman speed ko, baba ako, inabot ko fon ko, pagtingin ko sa stoplight, pa-GREEN na!! P#%$&*!!! Ayoko pa mamatay!! Bata pa 'ko! Madami pa may crush sa 'kin! Sayang ako!
Totoo pala nagf-flash buhay mo sa harap mo bago ka mamatay....
M: Kita mo si Thor (Venus' semi-female sister) chaka si Mami?..
V: Kita ko ung bag ko ng chips ahoy na hindi ko man lang nabuksan at malabong matikman pa ng kahit sino dahil tinago ko sa tagong lugar...
M: E ano 'yung isa mong near-death experience?
V: Nu'ng hinabol ako ni Bayon! Hawak ko celfon ko. Hmm... Hindi kaya involved ang celfon ko sa mga pangyayari, pansin ko lang a, hawak ko fon ko sa parehong incident...
M: Ano nangyari?
V: Pasok ako dito garahe nila, e kilala na naman ako ni Bayon e, may times lang na hyper s'ya, tatalunan ka. Hinabol ako pagpasok ko gate dito.. E 'di takbo ko! Tapos hinagis ko celfon ko sa ilalim ng van sa garahe nila, bago 'ko nakapasok sa loob ng bahay nila.. P***, iniisip ko na talaga, kasya ba 'ko sa loob ni Bayon?! Kasi parang kasya 'ko sa bibig n'ya e...
M: Ano kayang nasa isip mo no, at nang na-threaten ka sa isang aso, ang napag-decide-an ng utak mo e ihagis ang celfon mo sa ilalim ng isang naka-park na van?
V: Ewan....
After a moment of silence..
C: Machete, may tanong ako sa 'yo.
M: Ano?
C: Takot ka sa aso?
M: Oo.
C: Mahal mo si Venus?
M: Opcors!!
C: E ano gagawin mo 'pag nakita mo si Venus hinahabol ng asong ulol, naglalaway pa?
M (his hands surrounding his mouth in a shouting manner): Sisigaw. TAKBO, VENUS, TAKBO!! BILISAN MO PA! A'YAN NA S'YAA!
Wednesday, August 27, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment