O anong kaligayahan
Kung ikaw ay magparaan
Nang ang tatahaking daan
Ay may espasyong nakalaan
Anong galak ng aking puso
Kung iyo lamang mapagtanto
Na ang nilalakarang espasyo
Ay akin at hindi iyo
Kung maaari lamang
O mabuting ginang
Itabi ang iyong baywang
Nang hindi masagasaan
Pagka't kapag nagpupumuslit
Ang inis at galit
Aking dibdib ay nanininikip
At ako'y nagda-drayb nang naka-pikit
Kaya para sa iyong kapakanan
Maaari lamang na bumandang kanan
Sayang ang iyong gewang
Baka mahagip ka lamang
Hindi ko nais na ika'y masaktan
Tamaan man o magalusan
Iyong siko o tagiliran
Seksi ka pa naman
'Wag sanang magsumiksik
Baka madapa at salawal ay sumilip
Sa harap ng lupo ng kalalakihang
Kanina mo pa pinagpapakyutan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
gawa ka english version for kyle's sake... =P
ayoko nga. ayoko sa konyo
Post a Comment